LIFE UPDATE: MAY COVID PA RIN
Image from www. eurotimes.org
Minsan tinatanong ko na lang ang sarili ko kung hanggang kailan ba ito? Ganito na ba ang normal way of living ng mga tao? Malayo sa isa't-isa, bawal lumabas hangga't maaari, limitado ang transportasyon, laging naka-mask, laging nag-ispray ng alcohol. Halos magkandasugat na ang kamay ko sa kaka-alcohol nasobrahan na yata ako. Mahapdi rin pala sa kamay. Kailan ko kaya uli makakasama ang pamilya ko na malayo sakin? Hanggang video chat na lang ba? Kailan tayo magiging malaya? Kailan makakabangon ang mga naghirap, nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya? Kailan gagaling ang mga may sakit? Kailan mamamatay ang virus? Sa ngayon wala pang sagot hanggat wala pang epektibong gamot laban sa Coronavirus.
Mukhang magkakatotoo ang mga memes sa social media na kapag labas ko sa bahay mga kanta na ni Jose Mari Chan ang maririnig ko. Ibig sabihin Christmas season na. Nakakatawa lang itong biro noon pero di malabong mangyari sa sitwasyon ngayon.
Ang saya ko na eh nung nakakalabas na ko para pumasok sa trabaho. Para akong nakawala sa kural. Nakita ko na rin mga officemates ko sa wakas! Maraming chika, maraming tawanan. Ganado na ulit ako mag-trabaho. Ang sarap makalaya mula sa pagkakakulong. Kaso ito matapos ang ilang linggo, balik bahay dahil may nagpositibo sa opisina. Okay lang din para safe. Now aside from doing my office work at home I make myself busy watching YouTube vlogs and reading articles about mental health. I want to explore about my mind. I want to understand why there are times that I was being too emotional, overly sensitive and why I think too much. I also want to know why people say or do things that are offensive to others. Connected ba lahat sa anxiety na nararanasan natin dahil sa pandemic?
Currently I am reading the book "Women Who Love Too Much" ni Robin Norwood and I am learning a lot from her. She explains how childhood experiences especially the traumatic ones affect people's decisions in choosing their lifetime partner. And she made a lot of sense kung bakit yung mga batang lumaki na may magulang na drug addict o alcoholic ay nakakakuha ng asawang drug addict din o alcoholic o iresponsable. I tried visiting my childhood memories if I can relate to some of her examples to better understand myself. And yes, I agree malaking part ng pagkatao natin at ng ating behavior ngayong adult na tayo ay nagmula sa ating upbringing o kung paano tayo pinalaki ng ating mga magulang, kung ano yung naging role natin sa ating pamilya habang tayo ay lumalaki. I could also identify people in my life right now who went through the same traumatic experiences that her patients went through and I will definitely share this book to them.
Very complex talaga ang utak ng isang tao at salamat dahil may mga psychologist na tumutulong satin to understand our own mind and other people's mind too. Ito na siguro muna ang pagkakaabalahan ko ngayon while in quarantine. Being human indeed has so many wonders na dapat natin matuklasan and life will always be a continuous learning experience.
Comments
Post a Comment