Happy 75th Birthday, Lola V!
Sobrang thankful ako kay Lord dahil nakaabot si Lola sa year 2020 alive and kicking.
Dalawang araw bago ang kaarawan niya, nagplano na kaming mga apo niya na isurpresa siya. Sad lang dahil sa pandemic hindi namin siya makakasama kaya naisip ko na gumawa na lang ng isang video greeting para sa kaniya. Minessage ko sa social media ang mga anak at mga apo niya. Nakakatuwa naman na nagsend sila ng kaniya kaniyang video greetings for her. Pinagsa sama ko lahat sa isang video presentation at naglagay din ako ng mga pictures ni Lola and mga words that best describe her.
3pm nang dumating si hipag kina Lola kasama ang Kuya at mga anak nila. Ayun sobrang nasorpresa ang Lola mo at naiyak pa ng sobra. Akala raw niya wala nang nakaalala sa birthday niya dahil hapon na wala pa rin bumabati or bumisita man lang. Habang nagvivideo call kami kinantahan namin si Lola ng Happy Birthday. Sobrang emotional at sobrang saya niya sa ginawa namin. Natuwa rin siya sa video greetings namin.
Sobrang saya ko rin dahil napasaya namin siya kahit na thru video na lang kami nag-uusap. At syempre may pa-cash kami sa kaniya. Yun talaga ang gamot kapag matamlay si Lola bigla siya sumisigla kapag inaabutan namin ng pera. Tuwang tuwa yun kapag ganun at hahalikan ka niya nang walang katapusan sa galak.
Mahal namin si Lola dahil lahat kaming magkakapatid halos sa kaniya lumaki. Marami kaming pinagdaanan kasama siya. Halos ng lahat ng bahay na tinirhan niya natirhan ko rin. Yung mga hirap niya at panahon na masagana siya naranasan ko rin kasama siya. Marami siyang tinuro at itinulong saming magkakapatid kaya malaki talaga ang utang na loob at respeto namin sa kaniya. Malaki ang sakripisyo niya sa buong pamilya namin.
Naalala ko noong nasa elementarya pa ako tuwing bakasyon sa eskwela lagi kaming nagbabaksayon sa kaniya. Tinuruan niya kami magmahalan magkakapatid, magdasal bago matulog, tumulong sa gawaing bahay at maging mapagbigay sa iba.
Siya yung taong welcome kahit sino sa tahanan niya. Nagtataka ako dati bakit palaging may nagkakape sa bahay ng Lola tuwing umaga. Ayun pala tuwing may dumaraan sa bakuran na mga kapitbahay iniimbita niyang magkape at magkukuwentuhan sila. Puno rin ang bahay ni Lola kapag Fiesta halos lahat ng kaibigan niya bumibisita sa kaniya. Sadyang malapit siya sa mga tao kaya kapag siya naman ang nasa kagipitan meron din siyang nalalapitan.
Ang pinakamasayang alaala ko kay Lola nung bata pa ako ay ang pagkulot niya sa buhok namin ni Ate gamit ang tangkay ng kamoteng kahoy. Itutulog namin sa gabi ang kamoteng kahoy sa ulo at paggising sa umaga tatanggalin na namin ang mga tangkay instant kulot na ang mga buhok namin. Mahaba ang mga buhok namin noon kaya natutuwa siyang ayusan kami. Favorite niya si Jolina Magdangal kaya gusto niya kikay rin kami.
May mga araw na walang pera si Lola, kumakain kami ng lugaw na may asin pero di namin alintana yun. Masaya pa rin tuwing nagbabakasyon sa kaniya. Minsan wala kaming ulam pero madiskarte si Lola. Aalis siya saglit pero paguwi niya may dala na siyang bigas, ulam at kilo-kilong hinog na mangga. Sobrang bilib ako sa kaniya kung pano niya nagagawang masagana ang kainan kahit na salat kami sa pera. Dahil sa kaniya natuto ako maging simple, kumain ng gulay at di maging mapili o mapaghanap ng ibang pagkain. Kung ano ang nakahain dapat kainin dahil ang importante ay mabusog ang tiyan.
May mga panahon din na masagana ang buhay ni Lola. Kapag sumweldo ang Tita ko o may dumating na pera shinishare niya yun samin. Pila-pila kami magpipinsan bibigyan kami ni Lola ng tig-sampung piso o bente para mabili namin ang tsistsiryang gusto namin. Pagkatanggap ng pera takbo na agad kami sa tindahan para ibili ito. Napakasayang karanasan. Mahirap kami pero hindi kami deprived.
Mahilig magnegosyo si Lola, nagtitinda siya ng tsinelas at mga headbands sa palengke, nagkaroon din siya ng sariling sari-sari store noon. Nagtrabaho din siya bilang Janitress sa isang pribadong paaralan sa Bulacan at tumutulong kami sa kaniya maglinis ng mga classrooms kapag bakasyon. Bilang reward nagpapaexcursion si Lola. Taon taon nagswiwimming kami sa malapit na resort at isa yun sa pinakamasasayang alala ng buhay ko. Natutunan ko kay Lola na pagsumikapan ang mga bagay na gusto mo makuha. Sabi nga niya tiis muna bago ginhawa meaning linis ngayon, swimming bukas :) sino ba namang batang sabik sa outing ang di ma- motivate di ba? Kaya ang mga apo niya sadyang masunurin sa kaniya. Pag naglinis ka ng bahay at mabait ka siguradong may reward ka.
Tuwing Linggo meron kaming tinatawag na “Meeting de Avance” kasama si Lolo at Lola. Para itong sesyon sa korte kung saan hahatulan ka sa mga kasalanan na ginawa mo buong linggo. Bull session ika nga. Kinakabahan ako lagi tuwing magtitipon na lahat ng miyembro ng pamilya, Tita, Tito, Ate, Kuya, pinsan present lahat. Kahit malaki ang pamilya di ka makakatakas dahil isa-isa kayong hahatulan more like papayuhan. Kahit na ang pinakabata sa pamilya ay di exempted sa pagtitipon na ito. Sasabihin lang naman sayo ni Lolo at Lola kung anong mga di magandang asal ang nagawa mo at hihingan ka ng paliwanag then papayuhan ka kung ano dapat mong gawin. Minsan may confrontation at pinagbabati rin ang mga nagkatampuhan. Pagkatapos ng mahabang litanya at pagpapayo para mapabuti ang samahan ng pamilya magpapakain na ng tinapay at softdrinks si Lola masayang magtatawanan na muli ang lahat. Next week naman ulit. Nakakamiss talaga ito. Treasure ito ng pamilya namin. Napakahalaga na magusap-usap ang bawat miyembro ng pamilya at magbigay ng oras para sa kanila. Nang namatay na si Lolo bihira na ang meeting pero laging nandyan si Lola para magpayo sa mga tupang naliligaw. Siya rin ang umaayos ng gusot ng bawat tupang naliligaw.

Nang magsimula itong taon na ito, nagkaroon kami ng pagkakataon mag-Meeting de Avance sa bahay ni Lola after mag-celebrate ng new year. Matatanda na kami pero tuloy pa rin ang tradisyon. Naiyak ako habang naglilitanya si Lola. Ang saya lang sa pakiramdam na nandyan pa rin siya para magpayo pa rin sa amin kahit na may mga isip na kami.
Masasabi kong maswerte ako habang lumalaki dahil meron akong Lola V na nagbigay liwanag sa landas ng aking buhay bukod sa aking mga magulang. Hindi man siya mayaman pero higit pa sa yaman ang mabuting halimbawa na pinakita niya sa akin, sa amin. Bawat salita niya ay ginto, bawat haplos niya ay ginhawa. Minsan lang sa buhay ng tao na makakakilala ka ng taong napakabuti, napaka sincere at sobrang mapagmahal. Salamat sa panginoon dahil nandito pa siya para marinig mula sa aking bibig ang mga katagang “I love you, Lola” at maramdaman ang aking pagmamahal sa kaniya. She is the best Lola and my only Lola in this world.
Comments
Post a Comment