New Hobby: Paint by numbers

Image source: Me

Back to Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Pinas pano lalong dumami ang Covid cases over 100k na kaya bawal ulit ang public transportation and other non- essential services. Pagod na rin ang mga health workers halos wala na silang pahinga sa dami ng mga maysakit. God, please heal our land.

Ilang buwan na ba ako sa bahay? 5 months na. Sanay na sanay na ko sa bahay hindi kagaya noong first month ng quarantine na halos mabaliw ako. Sa wakas I found some joys at the comfort of my home.

I have found a new hobby this quarantine at ito ay ang painting by numbers. Super easy lang siya gawin dahil may mga number na susundan mo sa pagpipinta. Nabili ko siya through online shop and complete painting kit na siya with canvass, set of paints and set of brushes. Nakakalibang at nakakarelax itong activity na ito. I always experience a state of ‘Flow’ while doing this. Di ko na namamalayan ang oras kapag nagpipinta ako as in focused talaga ako.
The first painting that I did was the lion (see above photo). I did it for almost 5 days pero tuwing afternoon ko lang siya ginagawa at sa gabi kapag tapos na ko mag-work or tapos na sa gawaing bahay. Super ganda! nakakainlab si lion very satisfying noong natapos ko siya. Dinikit ko siya sa wall ko sa room so I’ll be inspired every time I wake up in the morning.

My next project is the mother and child  sa painting ni Gustav Klimt na The Three Ages of Woman. Oh di ba meron din famous paintings na pwede irecreate. Ang genius ng nakaisip nitong paint by numbers na ito kahit mga bata naeenjoy din ito lalo na ngayong quarantine na walang school, work from home set up at maraming idle time sa bahay. Talagang happiness ang dulot nito sa mga taong mahilig sa art like me. This is also a big help for us people na masyadong maraming iniisip, maraming worries and bored kasi nadidivert talaga ang attention sa pagpipaint. So stress reliever talaga siya for me. Art is a therapy. Di na ko masyado nakakagamit ng gadgets because of this and it’s good.

Meron ding tinatawag na ‘Diamond Painting’ which used beads or stones naman. Didikit mo lang siya sa canvass hanggang mabuo mo yung artwork mo. Dahil shiny and colorful yung mga stones nagbibigay siya ng sparkling effect or glow sa isang image  lalo na kapag natatamaan ng liwanag kaya mas gumaganda. I ordered ‘The Starry Night’ ni Vincent van Gogh sa online shop. I will try to do it in diamond painting. Sana maganda ang kalabasan. I am so excited and so elated for having these activities to get me through this quarantine. Pero sana talaga mawala na ang virus before this year ends. I am still hoping.


“ART is YOU being free from all of the world’s heaviness”

Comments

Popular Posts