BUHAY KUWARENTINA
Let's admit it, we appreciate life more now than before the coronavirus outbreak. Masasabi kong ang pag-stay ko sa bahay ng halos tatlong buwan ay may maganda ring naidulot aside from ofcourse being safe from the virus. At first, nakakapanic but as days went by naeenjoy ko na rin ang forced vacation na ito and I think that we all need this 'pause' once in a while to remind us that we human beings have limitations. We need to rest from work, we need some quiet time with ourselves and family, and we need a break from this fast-paced and materialistic world. During this quarantine, life is slow and it made me notice the smallest things in my life that I should be grateful for.
Every shower is a party
Sobrang na-enjoy ko ang paliligo these days. I can stay longer sa bathroom taking my time to clean my body. Before, I had to finish taking a bath within 15-20 minutes para di ma-late sa work and may instances na paglabas ko ng CR iniisip ko pa kung nakapag-toothbrush ba ko o hindi? Imagine that. Halos di ko na maalala yung mga ginawa ko sa shower dahil paulit-ulit na siya and I always rush like it's a chore. But this time, naging mindful ako sa paliligo. Ramdam ko ang malamig na tubig tuwing dadampi ito sa aking katawan. Mas naappreciate ko rin ang bango ng sabon at shampoo, ang anghang ng toothpaste sa aking bibig. Tapos maglalagay ako ng Bluetooth speaker sa banyo at itotodo ang volume nito. Sabay play ng " I Wanna Dance with Somebody" ni Whitney Houston. Party-party sa CR. Walang time limit. Happiness!
Bonding Time with Family
Simula nung nag off-air ang ABS-CBN, wala na rin halos mapanood sa TV.
Pero okay lang nag-start kaming maglaro ng UNO cards and Monopoly Deal Cards very entertaining at magandang bonding ang paglalaro ng card games with family. Nakakatalino rin.
Rediscovering old but gold music
Mahilig talaga ko sa music lalo na sa mga old music and sobrang dami kong time ngayon to listen to them na imposibleng magawa noon dahil sa kabusyhan ng mundo. Sobrang gaganda ng songs na na-create during 80's and 90's. Magaganda rin naman yung mga songs ngayon pero iba lang ang power ng mga kanta noon. Magaganda ang meanings, melody and lyrics. I appreciate more ang mga artists like Billie Joel, Queen, Bread, Debbie Gibson, Alanis Morissette, Cranberries, Stacie Orrico, at marami pa. Syempre bilang 90's baby ang sarap ding pakinggan muli ang mga kantang kinalakhan ko from Sugar Raye, The Moffats, Hanson, Blue, Westlife, BSB, Nsync, Plus One, A1 Britney Spears, Christina Aguilera, Avril Lavigne, Evanescence. Very nostalgic and their songs have deeper meaning now than when I was a kid. Sarap din humiga sa kama while listening to new artists like Ed Sheeran, One Direction, Taylor Swift, Sarah Bareilles. Nakakarelax sobra..Music is life.
More learnings and entertainment
I get to read self-help books, blogs and watch informative Youtube vlogs during this quarantine. Favorite ko ang mga topics about simple living, minimalism, general knowledge and health. I always read Joshua Becker's blog, Becoming Minimalist pati na rin ang No Side Bar, Minimalist Meditations and DowntoEarth. Sa Youtube naman I follow channels like Heal Your Living, CK's Space, WhatIveLearned and etc.
For entertainment I watch TLC 90 days fiance. Nakakaaliw manood nito it features American people dating someone who is from a different country. The show follows and documents life of the couples from dating to marrying (if they reach this point) until they live together given the language barrier and differences in culture. May mga funny scenes which made me laugh out loud at meron din nakakataas ng kilay pero may mga napupulot din akong kaalaman mula sa mga taong involved sa show lalong lalo na sa mga kultura ng ibang bansa. Favorite ko syempre and tandem ni Ed and Rose, an American guy and a Filipina woman na talagang sinubaybayan ko mula umpisa hanggang huli. Very entertaining itong reality show na 'to. It helped me through the quarantine. 😂
Kdrama pa more more more!
Malamang hindi lang ako kundi maraming Pilipino ang sinamantala ang panahon na ito para mag-Kdrama marathon. Isa ito sa mga nagbigay aliw sa mga boring na mga araw ng quarantine. Ito rin ang dahilan ng mga eyebags ko. Laki ng impluwensya ng South Korea sa Pilipinas dahil sa magaganda at unique nilang storyline. Aaminin ko mas bet ko mga Kdrama series kaysa sa mga American series. Too many Kdrama, too little time. Chincha!
And now the end is near...
Pero sabi nga nila walang permanente sa mundo. Quarantine man ay nagtatapos din. Kahit pataas pa rin ang cases ng COVID 19 sa bansa kailangan na buksan unti-unti ang mga industriya para sa ekonomiya. By next week kailangan ko na magbalik sa trabaho. Salamat sa time na binigay sakin, now I feel re-charged and motivated. Kailangan na lang ng masusing pagiingat para di mahawaan ng virus. Life goes on kahit may banta ng panganib pero dasal ko na ang pananaig ng COVID 19 sa buong mundo ay magwakas na.
Comments
Post a Comment