Ako sa panahon ng COVID-19
Magdadalawang buwan na mula ng ini-announce
ni President Duterte ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Ibig sabihin walang pwedeng lumabas ng bahay maliban sa mga frontliners like doctors, nurses, police and etc. Kanselado rin lahat ng land and air transportation, schools, at trabaho sa opisina. Sarado rin ang mga malls, restaurants except for supermarkets and basic commodity stores. Supposedly, matatapos na ang ECQ this April 30 pero inextend ito until May 15 dahil sa dumarami pang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas.
Almost two months na rin akong di lumalabas ng bahay, isa lang ang pwedeng lumabas sa amin para mamalengke or mag-grocery. During the first month of the quarantine sobrang hirap ako mag-adjust.
Hindi ako sanay na palaging nakakulong sa bahay. Ako yung taong palaging lumalabas para magtrabaho at mamasyal. Lalo na this summer, I have so many plans na na-cancel because of this pandemic. Pero walang magagawa eh mas nakakatakot magkasakit. Kahit na medyo slow ang life these days, masasabi ko na meron akong bagong naranasan sa buhay ko at marami ring natutunan during the quarantine.
Ang hirap matulog!
I don't know how to explain it pero nakaranas ako ng anxiety nang magsimula ang quarantine. Alam mo yung panay coronavirus ang mababasa mo at maririnig mo sa mga news, yung palaging ang laman ang balita eh kung ilan na ang tinamaan at namatay sa virus. Sobrang nakakatakot. Maski sa YouTube ang mga recommended videos ay about sa virus. Di ka rin makakaligtas sa mga family and friends mo na magchachat sayo na meron na sa lugar nilang affected at ung anu-ano pang fake news tungkol sa lunas sa virus. Yung araw-araw ganun yung maririnig at mababasa mo sobrang nakakapanic talaga.
Hirap ako sa pagtulog sa gabi. Inaabot ako ng 6 am sa higaan na gising na gising pa rin ang diwa. Ang daming pumapasok sa isip ko balikwas dito, balikwas doon pero hindi talaga ako dalawin ng antok.
I realized that it was not healthy for me kung palagi akong puyat hihina ang resistensya ko at madali akong mahahawaan ng sakit. I can't afford to get sick. Kaya naman tinigil ko ang pag-inom ng kape sa umaga, uminom ng Vitamin C supplement, nagbawas din ako ng exposure sa mga gadget, inoff ko ang notification ng cellphone ko para hindi ko ito palaging hawak. Nageexercise rin ako kung minsan at tinigil ko ang pagbabasa at pakikinig ng news lalo na about COVID-19. So far, mukhang effective naman. Hindi na lumilipad ang isip ko sa gabi bago matulog. Nawala ang worries ko at nakakatulog na nang mabilis. Sana magtuloy-tuloy hanggang matapos ang quarantine.
Who are we to plan for tomorrow?
If we are not sure if we can still arrive at tomorrow
Only God can plan for the next day
He can only make it happen
So just pray.
First time sa buhay ko yung crisis na ganito. Wala naman nag-expect na magiging drastic ang effect ng coronavirus. Parang kailan lang, sabay-sabay nating sinalubong ang 2020 na puno pag-asa at plano sa buhay. Welcoming new year with a blast pa nga sabi ng post sa social media. Naka-set na ang mga lugar na gusto nating pasyalan ngayong taon, bagong cellphone model na gustong bilhin, kumpanyang aaplayan pagka-graduate sa kolehiyo. Pero sa isang iglap inalis ang mga iyon sa atin. Marahil, meron tayong dapat matutunan.
Mga na-realize ko..
Lahat ng tao pantay-pantay. Walang mayaman o mahirap sa virus. Walang malinis o marumi. Sikat o hindi, politiko man o ordinaryong tao, Amerikano man o Pilipino pwedeng dapuan nito. Irespeto natin ang lahat ng tao dahil kapantay natin sila.
Life is precious. Ang buhay natin napakahalaga. Ang pera kikitain natin muli, ang negosyo mabubuksan muli. Pero ang buhay na nawala ay di na maibabalik pa. Huwag sayangin ang oras sa paghahabol sa nakaraan. Mahalin ang trabaho ngunit huwag mabuhay para lamang dito. Ingatan ang kalusugan. Simulan na ang mga bagay na matagal nang ipinagpaliban, mag-aral ng gitara, mag-pinta, kumanta. Do what can make you happy because your life on earth is not permanent. Even the smallest thing like a virus can take everything away from you.
We only need the basic. Pagkain, tubig, medisina, bahay na masisilungan. Ito lamang ang kailangan natin sa panahong ito. Walang halaga ang sobra-sobrang gamit, magagarang bag, sapatos at damit sa panahon ngayon. Maybe next time we can re-focus our time and re-align the purpose of our money into something that truly gives value in our life.
Importante ang may savings. Walang nakapag-predict na darating ang coronavirus sa atin. At kahit may iilan kagaya ni Bill Gates na nagpayo sa atin na dapat tayong maghanda kung sakaling maulit ang mga pandemyang naganap noon kagaya ng Spanish flu, walang gumawa ng aksyon para paghandaan ang salot. Bilang simpleng mamamayan, sa panahon ng crisis, lamang ang may ipon. Lamang ang may naitabi sa panahon ng tag-ulan. Sa muling pagbalik natin sa trabaho, gumawa tayo ng "Emergency Fund". Ito yung perang mabilis nating mahuhugot sa panahon ng sakuna, kung may magkasakit sa pamilya, pagkawala ng hanap-buhay at pambili ng pagkain kung sakaling kailangang mag-stay muli sa bahay nang ilang linggo o buwan.
Minsan kailangan nating mapag-isa. Being under isolation or quarantine can make or break a person. Mahirap, nakakabaliw, para kang tinanggalan ng freedom. Ganyan ang pakiramdam ko at first. Namimiss ko ang pamilya ko na malayo sakin, ang mga kaibigan, katrabaho. Malayo sa nakasanayan ko kaya halos ma-depress ako. Pero kailangan mong palakasin ang loob mo. Sabi nga ng kaibigan ko, "Enjoyin mo lang ang quarantine". Tama nga naman. Noon palagi kong hinihintay ang weekends at holidays para walang pasok sa trabaho nang makapaglinis ng bahay, makapagayos ng gamit, makapagbasa ng libro, makapanuod ng Korean drama. Ngayon binigyan ako ng pagkakataong magawa yun, why not enjoy it? Being alone also gives you time to reflect on yourself. It gives you time to think creatively and grow as a person. This is the time for silence, for re-evaluating your life. What do you really want to do in life? What are your plans after this pandemic? Who are you going to see first? Who do you miss the most?
We cannot waste time. After this pandemic, hopefully magbalik na sa normal ang dati. Pero marami na ang magbabago. I hope we can set our priorities straight para sa sarili, para sa pamilya, para sa bayan at sa mundo. Let's consider that we humans are not the only inhabitants of this planet. We must take care of the animals and the environment too. This is our wake-up call. Maiksi lang ang buhay kaya iparamdam natin sa ating pamilya ang ating pagmamahal, bigyan sila ng oras. We will never know kung hanggang kailan ang krisis na ito at kung may susunod pa bang pagsubok after nito. Hindi rin sigurado kung present pa rin tayo sa mga susunod na pagsubok na darating sa mundo. But for now, patuloy tayong maging disiplinado, tulungan natin ang ating bayan at magpalakas para malampasan ang pandemya ng kasalukuyan, at paghandaan ang mga darating pa.
x
Comments
Post a Comment